Director ng DA Region 02, May Paglilinaw sa Presyo ng Palay!

*Cauayan City, Isabela- *Nilinaw ni Ginoong Narciso Edillo, Regional Director ng Department of Agriculture (DA) na hindi dahilan ang Rice Tariffication Law sa pagbaba ng presyo ng palay ngayon.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Edillo, dati nang bumaba ang presyo ng palay noon bago pa lumabas ang Rice Tariffication Law at magiging fully implimented lamang aniya ito ngayong darating na buwan ng Nobyembre.

Base naman sa kanilang monitoring ay nasa P10.00 pesos hanggang P12.50 pesos ang presyo ng kada kilo ng fresh o sariwang palay habang aabot naman sa P16.00 pesos per kilo sa dry na palay ang bili ngayon ng mga traders sa Lambak ng Cagayan.


Kaugnay nito ay kanyang hinihikayat ang mga magsasaka na ibilad sa araw ang mga maaaning palay upang mas maibenta ito sa mas mataas na presyo.

Paalala naman nito sa mga magsasaka na dapat ay isaalang-alang din ang magandang panahon kung mag-aani.

Facebook Comments