Direk Jun Lana, nadismaya sa mga artista at managers na "raket lang" ang turing sa paggawa ng pelikula

Noong April 26, Direk Jun Lana nag pahiwatig ng pagkadismaya sa mga artista at managers sa kanyang Instagram account. Nakasaad sa kanyang post:


“Eto ang kalakaran sa showbiz: pumayag ka na sa cut-off at working hours limit, hihiritan ka pa kung pwedeng i-release agad ang alaga nila sa shoot dahil may ibang raket pa sila. Kung may katiting tayong professionalism sa mga katawan natin, mahihiya tayong sabihing raket lang ang paggawa ng pelikula. Kaso ganito kagarapal ang showbiz.”
Ayon pa kay Direk Jun, kaya hindi maganda ang kinakalabasan ng ilang pelikula ay dahil sa ganitong sistema ngayon ng industriya at sa ganitong attitude ng mga managers at artista.
Aniya, “Tapos nagtataka tayo kung bakit hindi kumikita ang mga pelikula natin ngayon? Mga pelikulang hindi naman talaga pinagbuhusan ng panahon at niraket lang? Ang kakapal naman nating mag-demand sa audience na maglabas ng pera para sa mga pelikulang raket lang para sa atin.”
Sa kanyang post, walang binanggit na kahit sinong pangalan ng artista o manager ang direktor, ngunit mapapansing marami ang nagayak na netizens sa comment section, halos lahat ay sangayon sa sinabi ng direktor.


Facebook Comments