Direk Toto Natividad, pumanaw na sa edad na 63

Pumanaw na ang batikang movie director na si Frederico “Direk Toto” Natividad sa edad na 63.

Ito ang kinumpirma ni Navotas Mayor Toby Tiangco sa kaniyang Facebook page.

Hindi naman nilinaw kung ano ang dahilan ng ikinamatay ni Natividad.


Kinilala ni Tiangco ang pagse- serbisyo publiko ni Natividad na nagsilbing Barangay Captain ng North Bay Boulevard South Kaunlaran at matapat na katuwang ng Local Government Unit (LGU) sa paglaban sa pandemya.

Magugunita na unang nag-post ang anak ng director na si John Isaac Natividad kung saan humingi ng tulong para ma-confine ang kanyang ama sa ospital.

Facebook Comments