26 pang overseas Filipinos, gumaling sa COVID-19 sa abroad

26 pang mga Pilipino sa ibayong-dagat ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunga nito, umaabot na sa 11,220 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na gumaling sa COVID sa abroad

17 naman ang bagong na-infect ng virus kaya ang total cases na sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong dagat ay 18,270.


Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 5,909.

15 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 1,142.

Facebook Comments