Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maaaring direktang makipagnegosasyon ang mga Local Government Units (LGUs) sa mga pharmaceutical firms para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.
Pero sinabi ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na kailangang makipag-ugayan ang mga LGU sa National Task Force against COVID-19 (NTF) bago bumili ng bakuna.
“Ang pakiusap lang po namin bago magpirmahan ay kailangan coordinated with the National Task Force COVID-19 particularly po si vaccine czar General Carlito Galvez,’’ sabi ni Malaya
Ang maayos na koordinasyon sa NTF ay kailangan para matiyak na dekalidad na COVID-19 vaccine ang mabibili at mababantayan ang proper distribution nito at aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang bakunang papasok sa bansa.
Sa ilalim ng 2021 budget, sinabi ni Malaya na naglaan ang Kongreso ng substantial amount para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.