Direktibang magbabawal sa “no vaccine, no salary” policy, dapat ilabas ng DOLE

Hinimok ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng direktiba na nagbabawal sa “no vaccine, no salary” policy ng ilang kompanya.

Ito ay kasunod ng mga sumbong na natanggap ng ALU-TUCP mula sa ilang manggagawa na hindi pinasahod dahil hindi sila nabakunahan kontra COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay na malinaw na labag sa Philippine Labor Code Article 116 ang pag-hold sa sahod ng manggagawa at sa Republic Act. 11525 o Vaccination Program Law.


Bagama’t nauunawaan ng mga manggagawa ang kagustuhan ng mga employer na mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga tauhan, sinabi ni Tanjusay na problema naman ang supply ng bakuna kontra COVID-19.

Kasabay nito, pinayuhan ni Tanjusay ang mga manggagawa na nakakaranas na hindi paswelduhin dahil hindi bakaunado na direktang maghain ng reklamo sa DOLE.

Facebook Comments