Direktibang refund ng ERC sa Meralco, malaking ambag sa gitna ng napakataas na presyo ng bilihin

Pinuri ini Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Manila Electric Company (MERALCO) na i-refund sa mga customer ang P21.8 bilyon na katumbas ng 87 sentimos kada kilowatt hour (kWh).

Ibig sabihin, para sa karaniwang household na kumukunsumo ng 200 kWh kada buwan, magkakaroon ng P174 na refund sa singil sa kuryente simula ngayong buwan.

Diin ni Gatchalian, malaking ambag ito sa mamamayan sa gitna ng napakataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at ito ay kaluwagan lalo na sa mga pamilyang kapos sa pang-araw-araw nilang gastusin.


Para kay Gatchalian, ang naturang utos ay nagpapakita ng kapangyarihan ng ERC at nagbibigay konsiderasyon sa mga konsyumer sa panahon ng kagipitan.

Sabi ni Gatchalian, mabuting inilabas ng ERC ang kautusang reimbursement sa residential customers ilang araw matapos na maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na kinakatigan ang pag-apruba sa aplikasyon na dagdag-singil ng MERALCO.

Facebook Comments