Mga Pinoy sa New York, inalerto ng Philippine consulate sa harap ng panibagong COVID surge doon

74

Nag-abiso ang Philippine Consulate General sa New York sa mga Pilipino roon na iwasan na munang magtungo sa mga pagtitipon at palaging magsuot ng face mask.

Sa harap ito ng panibagong COVID-19 surge doon na pinaniniwalaang dahil sa BA.5 Omicron subvariant.

Ayon sa konsulada, sa ngayon ay nakakapagtala ang New York ng mahigit 3,000 kaso ng COVID-19 kada araw o pagtaas ng 14.6 percent.


Partikular na nakakapagtala ng mataas na kaso ng infection ang Long Island City at Manhattan.

Facebook Comments