Direktor ng Manila Bay Coordinating Office, sinibak na sa pwesto kaugnay ng nangyaring ‘overcrowding’ sa Dolomite Beach

1158

Sinibak na sa pwesto ni Environment Secretary Roy Cimatu si Manila Bay Coordinating Office Deputy Executive Director Jacob Meimban Jr., bilang ground commander.

Ito ay matapos dagsain ng tao ang Dolomite Beach nitong Sabado at Linggo kung saan hindi na nasunod pa ang social distancing.

Ayon kay Cimatu, titiyakin niyang hindi na muling mangyayari ang ganitong insidente.


Kasabay nito, nilinaw rin ng kalihim na hindi ‘sacrificial lamb’ si Meimban dahil aminado raw ito na hindi na nakontrol pa ng otoridad ang pagpasok ng tao sa nasabing pasyalan.

Samantala, pag-uusapan na ng Inter-Agency Task Force ang mga kasong pwedeng isampa sa ilang opisyal ng DENR at kung sino talaga ang may resposibilidad sa nangyari.

Facebook Comments