Sinibak sa pwesto ni US President Donald Trump ang direktor ng Cybersecurity and Infrastructure Security Agency (CISA) na si Chris Krebs.
Ito ay matapos pasinungalingan ni Krebs ang pahayag ni Trump na nagkaroon ng widespread voter fraud nito lamang 2020 US Election.
Iginiit ni Krebs na walang ebidensya na nabura ang voting system, o nawala o nabago man ang ilang boto ng residente ng nasabing bansa.
Batay sa tweet ni Trump, epektibo agad ang ginawa niyang pagsibak sa direktor.
Facebook Comments