Pinatataasan ni Senator Jinggoy Estrada ang disability pension ng mga beterano sa bansa.
Sa Senate Bill 683 na inihain ng senador, isinusulong nito na itaas sa 350% hanggang 488% ang disability pension ng mga military veterans.
Layunin ng panukala na maiakma sa panahon ang natatanggap na disability pension ng mga retiradong sundalo at kanilang mga benepisyaryo nang sa gayon ay matulungan sila sa mga gastusin sa gamot, pagpapaospital at iba pang pangangailangan.
Inirerekomenda ni Estrada na itaas sa ₱4,500 kada buwan ang kasalukuyang base rate na ₱1,000 sa mga eligible na beterano.
Samantala, ipinapa-rationalize naman ang iba pang prescribed rates para makapagkaloob ng disability pension na aabot sa ₱10,000 kada buwan.
Punto pa ni Estrada, tatlong dekada na ang nakalipas nang huling madagdagan ang disability pension ng mga retirado at sa sobrang taas ng bilihin at mga gastusin ay wala na halos mararating ang kakarampot na pensyon sa mga retiradong sundalo.