Malacañang, nilinaw na wala pang itinatalagang bagong Bureau of Immigration Commissioner

129

Hindi pa nagtatalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang bagong Bureau of Immigration Commissioner.

Ito ang nilinaw ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles matapos na umano’y kumalat ang kopya ng isang formal appointment letter mula sa Office of the President.

Nakasaad raw sa appointment letter na si Atty. Abraham Espejo Jr., dating Dean ng College of Law ng New Era University ang itinalaga ni Pangulong Marcos bilang bagong Immigration Commissioner.


Sa isang statement, sinabi ni Secretary Angeles na wala pang appointment na nangyayari para sa Immigration Commissioner.

Aniya, kinumpirma nang kanilang tanggapan sa Presidential Management Staff (PMS) na silang gumagawa ng mga dokumento para sa mga appointment pero wala pa raw dokumento kaugnay sa nasabing posisyon.

Facebook Comments