Inalerto ni Philippine Army Chief Lt. General Romeo Brawner Jr., ang kanilang mga Search and Rescue at Humanitarian and Disaster Relief teams sa Metro Manila at ilang bahagi ng Eastern Visayas.
Ito’y dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan dulot ng Low Pressure Area na nakaka-apekto sa Luzon at Eastern Visayas.
Ani Brawner, naka-standby ngayon ang dalawang light urban search and rescue teams ng 525th Engineer Combat Battalion ng 51st Engineer Brigade sa Camp Atienza sa Libis, QC para sa posibleng deployment sa flood-prone areas sa Metro Manila.
Habang nakahanda rin ang HADR teams ng 802nd Infantry Brigade ng 8th Infantry Division, gayundin ang mga team ng 14th Infantry Avenger battalion at 93rd Infantry Battalion sa Eastern Visayas.
Facebook Comments