Disaster risk reduction training, hiniling na idagdag sa mandatory ROTC

Iminungkahi ni Senate President pro-tempore Loren Legarda na idagdag sa panukalang mandatory ROTC ang disaster risk reduction training.

Ayon kay Legarda, naniniwala siya sa kapangyarihan ng reserve corps ng Armed Forces at sa konsepto na higit pa sa military training ang ROTC.

Hiniling ni Legarda sa sponsor ng panukala na si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na isingit ang probisyon ng DDR training sa mandatory ROTC.


Aniya, papabor siya sa panukala kung hindi lang ito magiging limitado sa military training at sasaklaw rin sa ibang aspeto ng climate change.

Dagdag ng mambabatas, dapat tularan ng Pilipinas ang ibang mga bansang may pagpapahalaga sa disaster resilience.

Pagdating naman sa usapin ng pagibsan ng epekto ng climate change ay sinabi ng senadora na mainam kung magbibigay ng insentibo ang gobyerno para sa mga gumagamit ng electric vehicles, palalaganapin ang recycling, pararamihin ang bike lanes at gagawing mas episyente ang mass transportation.

Facebook Comments