DISBARMENT CASE | Atty. Gadon, tinawag na nuisance case ang disbarment laban sa kaniya

Manila, Philippines – Tinawag na nuisance case ni Atty. Larry Gadon ang disbarment case na isinampa laban sa kaniya nina blogger Jover Laurio at iba pang complainants.

Ito ay kaugnay ng paglabag umano ni Gadon sa 138 rule of court at code of professional conduct and responsibility.

Nag-ugat naman ito sa pagmumura ni Gadon sa mga nagprotesta noon April 10 sa Baguio City sa kasagsagan ng oral arguments sa April 10 during Supreme Court (SC) sa quo warranto case laban kay Ma.Lourdes Sereno.


Aniya, paghihiganti lamang ang gusto ng mga complainant dahil sa pagkapatalsik kay Sereno.

Si Gadon ang complainant sa impeachment ni Sereno.

Bagaman at hindi ito naiakyat sa Senado, ang mga imbestigasyon sa house committee on justice ang naging batayan ng quo warranto case.

Facebook Comments