Disbarment case laban kay House Speaker Pantaleon Alvarez, malabong umusad ayon mismo sa Integrated Bar of the Philippines

53

Manila, Philippines – Tiniyak mismo ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) National President Atty. Rosario Setias-Reyes na malabong umusad ang reklamong inihain laban kay House Speaker Pantaleon Alvarez hinggil sa isyu ng imoralidad.

Ayon kay Setias-Reyes, wala naman kasing kalakip na personal na impormasyon tungkol sa petitioner ang nasabing reklamo.

Matatandaang nagpakilala lang ito sa pangalang Jose Santos na isa “umanong” concerned citizen.

Sa nasabing reklamo, hiniling nitong matanggalan ng lisensya bilang abogado si Alvarez dahil sa pagkakaroon nito ng girlfriend habang kasal pa sa kanyang unang asawa.

Kaya naman nanindigan ang IBP na nananatili ang kanilang mataas na panuntunan sa kanilang mga miyembro na dapat ay maging huwaran at hindi masangkot sa mga isyu ng imoralidad.

Facebook Comments