DISBARMENT CASE | MAKABAYAN Bloc, magsasampa ng kaso laban kay Atty. Ferdinand Topacio

Manila, Philippines – Magsasampa ng disbarment case ang MAKABAYAN Bloc laban kay Atty. Ferdinand Topacio.

Ito ay kasunod na rin ng ipinatong na reward na isang milyong piso para sa kina dating Bayan Muna Reps. Satur Ocampo At Teddy Casino, dating Gabriela Rep. Liza Maza at dating Anakpawis Rep. Rafael Mariano.

Ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus, pinag-aaralan na nila ang ligal na hakbang para matanggalan na ng lisensya si Topacio bilang abogado.


Malinaw aniya na kahihiyan sa law profession ang ginawa ni Topacio.

Dapat na bigyan ng leksyon ang mga ganitong klaseng abogado na sumusunod sa utos ng amo kahit pa malagay na sa kahihiyan ang propesyon.

Matatandaang lumantad na sina Ocampo, Casino, Maza at Mariano matapos ibasura ng Palayan RTC ang kaso nilang double murder.

Facebook Comments