Mister na Nanampal ng Asawa, Arestado, Baril-Nakumpiska!

*Mallig, Isabela- *Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan sa pagdadala ng iligal na baril pasado alas sais kaninang umaga, Agosto 15, 2018 sa Brgy. Casili, Mallig, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Jerome Viernes, singkwentay sais anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, lumapit umano sa himpilan ng PNP Mallig ang asawa ng suspek na si ginang Trinidad Viernes upang magreport hinggil sa umano’y laging pananampal sa kanya ng kanyang mister na agad namang nirespondehan ng mga pulis.


Nang makarating ang kasapi ng PNP Mallig sa bahay ng suspek ay paalis naman ito lulan ang kanyang motorsiklo kaya’t agad na nilapitan ng mga pulis at dito narekober mula sa kanyang beywang ang isang kalibre kwarentay singkong baril na mayroong pitong bala.

Dinala na sa PNP Mallig si Jerome Viernes magaing ang nakumpiskang baril para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Inihahanda naman ngayon ng kapulisan ang kanyang kakaharaping kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act“.

Facebook Comments