Disbarment complaint, isinampa sa Korte Suprema laban sa IBP outgoing at incoming presidents

Supreme Court

Pormal nang isinampa ng Kabalikat Party-list ang disbarment complaint sa Supreme Court – Office of the Bar Confidant laban kina Integrated Bar of the Philippines National President Abdiel Dan Elijah Fajardo at IBP incoming President Domingo Cayosa.

 

Bunga ito ng sinasabing paggamit ng resources ng Integrated Bar  of the Philippines  at ang tanggapan mismo ng IBP sa ginawang press conference noong Lunes para kay Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.

 

Partikular anilang nalabag nina Fajardo at Cayosa ang Code of Professional Responsibility.


 

Taliwas din anila sa misyon ng IBP ang ginawa ng dalawang abogado lalo nat nagbitaw si Advincula ng seditious words sa nasabing presscon.

 

Ang IBP anila ay nasa ilalim ng supervision at kontrol ng Supreme Court at sa taong ito ay tumanggap ito ng 100-million pesos na pondo mula sa Kongreso sa pamamagitan ng Korte Suprema.

 

Una nang nanawagan si Solicitor General Jose Calida kay Atty Fajardo na magbitiw na bilang pangulo ng IBP habang kinundena rin ng IBP Davao Chapter ang ginawa ng kanilang national officials.

Facebook Comments