‘Lava Walk’ out, ‘Beyblade Turn’ in; Kandidata kinabog ang pagrampa ni Catriona

Screenshot via Twitter/Kevin Marco

Tila may humamon sa hindi malilimutang lava walk ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Bentang-benta sa mga netizens ngayon ang viral video ng isang kalahok sa gay beauty contest na ginanap sa Koronadal City. South Cotabato.

Ipinost ni Kevin Marco sa kanyang Twitter account ang paulit-ulit na pagikot ng kandidatong si Anton Jann Labiang habang rumarampa sa entablado. Binansagang itong beyblade turn dahil katulad ito ng isang sikat na Japanese spinning toy na akala mo trumpo kung umikot.


Mababasa sa caption ni Kevin ang linyang: “Catriona Gray is cancelledt.”

Maging ang pageant expert website na Missosology, hindi pinalampas na pagusapan na ito. Ayon sa ilang netizens, ito na ang tatalo sa lava walk ni Catriona Gray.

Labis naman ang pagpapasalamat ni Anton Jann sa mga taong pinuri ang kanyang pag-rampa. Pahayag pa niya, si Catriona ang naging inspirasyon para maging possible ang kakaibang style of modelling.

Sa ngayon, 1.3 milyon views na ang nakakatuwang video.

Facebook Comments