Inihayag ng pamanuan ng Manila Electric Company (Meralco) na pansamantalang ititigil muna ang pagpuputol ng connection sa Laguna at sa National Capital Region (NCR) ito ay dahil sa pagpapatupad ng quarantine restrictions sa nasabing mga lugar.
Pero sinabi rin ng Meralco na magpapatuloy naman ang business operations nito kahit nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), kasama ang meter reading at bill delivery activities.
Tiniyak naman nito na mahigpit naipatutupad ang safety and health protocols laban sa COVID-19 para sa kaligtasan ng mga consumer at empleyado nito.
Hinikayat naman ng Meralco ang mga consumer nito na samantalahin ang pagkakatoan na ayusin ang kanilang mga billing issue.
Ang Laguna ay isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula noong Agosto 1 hanggang Agosto 15 habang ang NCR naman ay isasailalim sa ECQ simula Agosto 6 hanggang 20, ngayong taon.