Umapela si Senator Nancy Binay sa mga utility firms na suspendehin muna ang disconnection activities habang patuloy ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa lalo na sa National Capital Region (NCR) dahil sa Omicron variant.
Halimbawa nito ang mga kompanya na nagbibigay ng serbisyo ng kuryente, tubig, cable, at iba pa.
Giit ni Binay, kailangang ngayon ng konting konsiderasyon mula sa mga utility firms para magkaroon ang publiko ng sapat na panahon para mabayaran ang kanilang bills.
Paliwanag ni Binay, pami-pamilya na ngayon ang mga nahahawaan ng COVID-19.
Ayon kay Binay, ito ang dahilan kaya marami ang nasa mahirap na sitwasyon ngayon at wala pang pambayad o walang panahon na asikasuhin ang kanilang mga bayarin.
Facebook Comments