DISCOUNT | Grupo ng solo parents, humihiling ng 20% discount sa pasahe at pangunahing bilihin

Manila, Philippines – Humihiling ang isang grupo ng solo parents ng 20-porsiyentong diskuwento sa pamasahe at sa mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Carina Javier, national president ng Federation of Solo Parents, kailangan nila ng dagdag na suporta mula sa pamahalaan bukod pa sa mga benepisyong natatanggap sa ilalim ng solo parents welfare act.

Kabilang na aniya rito ang 20 porsiyentong diskuwento sa matrikula, hospital expenses, laboratory, sa mga restaurants at sa pamasahe.


Sa ilalim ng batas, nakatatanggap ang mga solo parent ng karagdagang 7 day leave, flexible work schedule, scholarship para sa mga anak, housing benefits at medical assistance.

Sa ngayon ay mayroong 18 panukala sa Kamara at 5 naman sa Senado para amiyendahan ang naturang batas para sa mga single parent.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments