Discount para sa mga Solo Parent, Iminungkahi!

Baguio City, Philippines – Inaprubahan na sa unang pagbasa ang Ordinansang magkakaroon ng discount ang mga Solo Parent sa Baguio City

Ayon kay Councilor Leandro Yangot Jr. ang may akda ng nasabing ordinansa ay mabibigyan ng 20-percent na discount ang lahat ng Solo Parent sa lahat ng restaurant sa Baguio City tuwing unang araw ng linggo kada buwan.

Ngunit paalala niya ay kailangang mayroong Valid Solo Parent Identification Card mula sa City Social Welfare And Development Office para magkaroon ng discount tuwing kakain sa restaurant kasama ang mga anak. Layon ng ordinansang ito na tulungan ang mga Solo Parents dahil na rin sa dobleng hirap ng mga ito para itaguyod ang kanilang mga anak.


Facebook Comments