UPDATE: PRO 2 Regional Director Jose Mario Espino, Umaasa na Matutugis sa mga Darating na Araw ang Dalawang Suspek na Pumatay sa Mag-asawa at Mag-live-in Partner sa Lal-lo Cagayan!

Lal-lo, Cagayan – Umaasa si PRO 2 Regional Director Police Chief Superintendent Jose Mario Espino na matutugis rin sa mga darating na araw ang dalawang suspek na pumatay kamakailan sa mag-asawa at mag-live-in partner sa Magapit, Lal-lo, Cagayan.

Ito ay matapos na ipinakalat ng mga otoridad ang larawan ng mga gunman at malalaman din umano ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Sinabi pa ni RD Espino na mas pina-igting na umano ang kautusan sa oplan bakal sa mga videoke bars at ipinasara narin umano ni Mayor Anteng Pascual ng Lal-lo ang lahat ng kaparehong establisyemento at hindi na bibigyan ng permit to operate ang mga videoke bars na may mga Guest Relation Officer (GRO) sa bayan ng Lal-lo.


Samantala, may direktang ugnayan na umano ang mga otoridad sa mga operators at owners ng mga videoke bars sa buong rehiyon dos upang maturuan ng safety guidelines upang hindi na maulit ang ganung pamamaslang.

Magugunita na dead on the spot ang apat na biktima ng pamamaril matapos magalit ang dalawang suspek sa mag-asawa at may ari ng videoke bar dahil sa walang nangyari sa hotel sa inilabas nilang GRO.

Facebook Comments