Disenyo ng P5 at P20 coins, ilalabas sa Disyembre

91

Nakatakdang maglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng 20-pisong barya sa susunod na taon.

Ayon sa BSP, mas madaling matukoy ang itsura ng mga bagong 20-peso coin kumpara sa ibang mga barya na nasa sirkulasyon na.


Ilalabas ang final design ng 20-peso coin sa Disyembre.

Maglalabas din ng bagong bersyon ng 5-peso coin ang BSP bunsod ng reklamong nakakalito ang disenyo nito na halos kaparehas lang ng disenyo ng 1-peso coin.

Facebook Comments

From Advertisers