Mga atletang nagbigay ng karangalan ng bansa, ipapatawag ni PRRD

Inihahanda na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang makukuhang cash incentive ng mga World Championship Gold Medalist na sina Carlos Yulo ng men’s gymnastics at Nesthy Petecio ng women’s boxing.

Ayon kay PSC chairperson William Ramirez – tatanggap ng tig-isang milyong piso ang dalawang atleta.

Inaasahang tataas din ang buwanang allowance nilang dalawa, kasama ang kanilang coaches.


Maliban kina Yulo at Petecio, makakatanggap din ng 500,000 pesos cash incentive si World Champion silver medalist Eumir Felix Marcial sa men’s boxing.

Balik-bansa ngayong araw sina Yulo at Petecio na dederetso agad sa Malacañan para sa courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments