DISGRASYA | 5 sugatan sa pagbagsak ng bahagi ng gondola mula sa ginagawang gusali sa Makati City

Makati – Sugatan ang limang sakay ng pampasaherong jeep matapos na mabagsakan ng bahagi ng Gondola mula sa ginagawang gusali sa Tordesillas Street kanto ng Buendia Avenue, Makati City.

Pasado alas 9:00 kaninang umaga nang mangyari ang aksidente kung saan tatlong iba pang mga sasakyan ang nadamay.

Kwento ng driver ng Mitsubishi Montero na si Jonathan Vegas nakatigil lang sila sa lugar habang hinihintay na mag-go ang traffic light nang bigla na lang may bumagsak na bakal.


Agad namang isinugod sa ospital ang tatlong pasahero ng jeep na lubhang napuruhan ng bumagsak na gondola.

Kasalukuyan namang nakikipag-ugnayan sa Shang Salcedo Place na may-ari ng gondola ang mga driver para sa danyos na naidulot ng aksidente sa kanilang mga sasakyan.

Facebook Comments