BUBUSISIIN | Makati PNP, iniimbestigahan na ang dahilan ng pagkahulog ng bahagi ng Gondola lift mula sa isang gusali

Makati City – Iniimbestigahan na ng Makati PNP kung paanong nahulog mula sa tuktok ng Shang Salcedo Place sa Gil Puyat Avenue corner Tordesillas St., Makati City ang isang bahagi ng gondola lift nito.

Bigla na lang kasing nahulog ang makina ng nasabing equipment na sinasakyan ng tao kapag may kukumpunihin o maglilinis ng bintana mula sa labas.

Direktang bumagsak ang may isandipang bakal sa jeep na nakahinto sa kalsada dahil pula pa ang traffic light.


Dahil sa sobrang taas ng gusali, lumusot ang bakal sa bubong ng jeep, na ikinasugat ng 2 lalake at isang babaeng pasahero.

Dinala sa Makati Medical Center ang 3 sugatan.

Napinsala rin ang 2 SUV at isang taxi.

Facebook Comments