Disiplina at Kooperasyon, Susi sa pagiging COVID-19 Free ng Quirino Province

Cauayan City, Isabela-Pinasalamatan ni Governor Dakila ‘DAX’ Carlo Cua ng Lalawigan ng Quirino ang mga mamamayan nito kung kayat nananatili parin itong Covid-19 Free ang probinsya.

Sa press briefing na pinangunahan ng PIA Quirino, Masaya ang naturang Gobernador sapagkat patuloy umano ang pakikiisa,pang unawa at pagsunod ng mga mamamayan nito sa mga inilalatag na health protocol ng lalawigan kaya’t nananatili na Covid-19 free ang probinsya.

Mahigpit din umano ang ginawang pagbabantay sa mga border checkpoint at tinitiyak nito na lahat ng papasok at lalabas ay dumadaan sa masusing verification upang hindi makalusot ang virus sa lugar.


Sa ngayon ay umabot na sa mahigit isang libong mga LSI at mga ROF ang kanilang naisailalim sa Quarantine protocols at walang nagpositibo kahit isa sa mga ito na kanya namang ipinagpapasalamat.

Sa ngayon ay nananatiling sarado parin sa publiko ang lahat ng tourist spot ng lalawigan ngunit patuloy umano ang ginagawang pagsasaayos upang ihanda ang mga lugar na ito para sa pagbabalik normal pagkatapos ng pandemya.

Dagdag pa nito na patuloy din ang koordinasyon nito sa DepEd at iba pang sangay ng pamahalaan para ihanda ang mga mag aaral nito sa bagong paraan ng pag aaral habang humaharap ang buong mundo sa mapa minsalang virus sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag kaalaman sa mga guro, mga magulang , at mga mamamayan upang maging handa sa nalalapit na pagbabalik sa paaralan ng mga estudyante sa pamamagitan ng tinatawag na Blended Learning process ng Dep Ed.

Facebook Comments