Disiplina Brigade, bubuuin ng DOH sa kada barangay

Sa layuning mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, plano ngayong ng Department of Health (DOH) na magtatag ng Disiplina Brigade sa kada barangay upang matututukan kung nasusunod sa kanilang komunidad ang minimum health standards.

Sa press conference sa Malakanyang, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie na nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nang sa gayon ay maibaba sa mga barangay ang naturang panukala sa ilalim ng BIDA Solution ng kagawaran.

Bukod dito, ayon kay Vergerie ay target din nilang magkaroon ng mga tinaguriang BIDA Ambassadors.


Ang BIDA ay kumakatawan sa panuntunan na ‘Bawal walang mask, I-sanitize ang kamay at iwas-hawak sa mga bagay’, Dumistansya ng isang metro at Alamin ang totoong impormasyon.

Facebook Comments