Disiplina muna campaign, ilulunsad sa Marikina City

57

Plano ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ilunsad sa Lungsod ng Marikina ang programa nilang “Disiplina Muna” na isang national advocacy campaign.

 

Ang ‘Disiplina Muna’ campaign ay inilunsad matapos ang ng matagumpay na implementasyon ng road clearing operations sa bansa.


 

Ayon kay DILG Secreraty Eduardo Año, naglalayon ang programa na buhayin muli at iangat ang kultura ng disiplina para sa totoong pagbabago.

 

Sinabi pa ni Año, na ang lokal na pamahalaan ng marikina ay consistent sa implementasyon nito ng mga ordinansa sa road clearing ops, na may buong partisipasyon ng mga barangay at residente dito.

 

Matatandaan na una itong inilunsad sa Lungsod ng Maynila pero paliwanag ng kalihim, hindi importante kung saan ito sinimulan dahil ang mahalaga ay kung paano mapapanatili ang kaayusan.

 

Kaugnay nito, hinihikayat ng dilg ang mga mamamayan na makisama at tulong-tulong sa pag-abot ng kaunlaran ng bansa.

Facebook Comments

From Advertisers