Anne Curtis, buntis sa first baby nila ni Erwan Heusaff!

923

Matapos ang dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa, magkakaroon na ng baby sina Anne Curtis at Erwan Heusaff.


 

Inanunsyo mismo ito ng dalawa sa kani-kanilang instagram ngayong araw.

 

Isang video na kuha sa bakasyon nila ni Erwan sa Seoul, South Korea ang ibinahagi ng actress/ host sa kanyang ig kung saan makikita ang kanyang baby bump.

 

Nire-upload ito ni Erwan na may caption na “5/9” na tila pahiwatig na nasa limang buwan nang nagbubuntis si Anne.

 

Nauna nang kumalat ang espekulasyong buntis si Anne matapos mapansin ng netizens ang “preggy look” nito sa isang episode ng kanilang noontime show.

Facebook Comments