Naniniwala ang Metro Manila Development Authority na masosolusyunan lamang ang mabigat na daloy ng trapiko sa Edsa kung maipatutupad lamang nila ang disiplina sa mga motorista.
Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila sinabi ni MMDA Chief Edsa Traffic Czar Bong Nebrija na isa sa pinagtuunan ng pansin ng MMDA ay disiplina ng mga motorista upang maging maluwag ang trapiko sa Edsa.
Paliwanag ni Nebrija na napakahalaga ang disiplina sa mga motoristang dumadaan sa Edsa upang mabawasan ang matinding trapiko na nararanasan sa lugar.
Dagdag pa ni Nebrija na hindi naman talaga kakayanin ang limang minuto mula Cubao papuntang Makati pero tinitiyak nito na mababawasan ang trapiko sa Edsa at makapapasok na ng maaga sa trabaho ang mga manggagawa dahil sa disiplinang kanilang ipatutupad.