Pag-ban sa mga mangingisdang Chinese sa West Philippine Sea, hindi uubra ayon sa isang mambabatas

Malabo para kay House Committee on National Defense And Security Vice Chairman Ruffy Biazon na maipatupad ang pagbabawal sa mga mangingisdang Chinese na pumasok sa Recto bank sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Biazon, bagamat bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ang Reed bank, hindi ito sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Bukod dito, magiging epektibo lang ang fishing ban sa mga Chinese kung mahigpit na maipatutupad.


Sa ngayon ay limitado ang kakayahan ng Pilipinas at kahiya-hiya lang na humirit ng ban na kapos naman sa gagawing implementasyon.

Facebook Comments