Disiplina sagot sa problema sa Traffic sa Cotabato City

Magkaroon ng disiplina! Ito ang apila ni Cotabato City Mayor Atty. Frances
Cynthia Guiani sa lahat ng mga motorista at mga commuters sa syudad
para maibsan o tuluyang matuldukan ang problema sa trapiko .

Ito ang isa sa nakikitang pansamantalang kasagutan ng alkalde kasabay ng
patuloy na paglobo ng mga vehicles na araw araw na dumaraan sa mga
pangunahing lansangan ng syudad kasabay rin ng pagsulpotan ng mga
establishementong naipapatayo malapit sa national highway na kalimitang
dinarayo ng publiko.

Bagaman may mga nauna ng inisyatiba ang LGU para matugunan ang problema
sa trapiko at may umiiral na rin na traffic codes, aminado ang mga
opisyal na mayroon pa ring mga pasaway ng mga driver at mga pasahero na
tila ayaw paawat.


Sa ngayon, kapansin pansin pa rin ang Traffic sa mga Area na kinabibilangan
Magallanes, Jose Lim, Quezon Avenue at Sinsuat Avenue lalo na sa mga peak
hour.

Bagaman di lamang sa Cotabato City nararanasan ang traffic, umaasa ang LGU
na makikiisa sa kanilang kampanya ang lahat para na rin sa kaginhawaan ng
bawat motorsita

FB PIC

Facebook Comments