DISKWENTO | 20% discount para sa mga PWD sa lahat ng PUVs, iniutos ng LTFRB

Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bigyan ng 20 percent na discount sa pasahe ang mga Persons With Disabilities (PWD’s) sa lahat ng mga Public Utility Vehicles.

Sa inilabas na Memorandum Circular ng LTFRB, lahat ng PWD’s na sasakay ng Jeepney, Bus, Taxi, UV Express at maging Transport Network Vehicles Service o TNVS tulad ng Uber at Grab ay dapat na may 20 percent na discount na sa pasamahe.

Kailangan lamang ipakita ng PWD’s ang kanilang I.D.’s na inisyu ng National Council on the Welfare of Disabled Persons kapag sila ay magbabayad ng pamasahe.


Mahaharap naman sa mga parusa ang sino mang lalabag sa nasabing kautusan kung saan may multang 5,000 piso para sa unang paglabag, 10,000 piso naman at anim na buwang suspensyon ng Certificate of Public Convenience para sa ikalawa habang kanselasyon na ng prangkisa para sa ikatlong paglabag.

Facebook Comments