DISMAYADO | Desisyon ng NTC na katigan ang ibang telco, ikinadismaya

Manila, Philippines – Dismayado si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa National Telecommunication Commission (NTC) sa pagpahintulot na gamitin ni Dennis Uy ang Mislatel na nakakontrata sa kanilang kumpanya.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Singson na noong nakaraang buwan ng Marso ay nagkaroon bidding ang NTC pero noong Mayo bago ang bidding dapat nasa kanila ang kontrata pero ang ginawa umano ng NTC ay inililihis at itinatago nila na dapat ay ground ng disqualification sa kanilang kontrata.

Paliwanag ni Singson sumulat sila sa Senado at nagpasaklolo sa media dahil hindi sila pinapansin ng NTC at bawal daw magreklamo at kung sakaling magrereklamo kinakailangang umanong magbayad ng 10 milyong piso.


Giit ni Singson wala sanang ganitong problema kung ginagampanan lamang ng NTC ang kanilang trabaho dahil sa umpisa pa lamang ay malinaw umano na nilabag na ng NTC ang kanilang sariling rule dahil ibinabasura ang kanilang mga apela.

Facebook Comments