DISMAYADO | EcoWaste, dismayado sa dami ng basurang nakakalat sa mga sementeryo

Manila, Philippines – Muling nadismaya ang isang zero waste advocacy group dahil nag-iwan na naman ng santambak na basura ang mga pumasok sa mga sementeryo habang ginugunita ang Undas.

Ayon kay Daniel Alejandre, zero waste campaigner ng EcoWaste Coalition, ito ay sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng ibat-ibang sektor kabilang si DENR Secretary Roy Cimatu at CBCP Vice-President Bishop Pablo Virgilio David.

Nagmistula na namang dumpsites ang mga sementeryo dahil basta na lamang iniwan ng mga tao ang kanilang basura.


Sa 22 public at private cemeteries na inikutan ng basura patrollers ng environmental group sa 10 lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila, ilan sa nakitaan na may talamak na kalat ng basura ay sa Bagbag Public Cemetery, Sangandaan Cemetery, Manila North Cemetery at Manila South Cemetery at Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Nawalan ng saysay ang pamamahagi ng anti-littering leaflets ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil binalewala lang ito ng publiko.

Lalo na ang batas tungkol dito na Republic Act 9003, na nagpapataw ng penalty sa mga nagkakalat ng basura na may katumbas na multa na P300 hanggang P1,000 na may kasamang community service muka isa hanggang 15 araw.

Facebook Comments