DISMAYADO | Ilang senador, hindi nagustuhan ang pagluklok kay CGMA bilang House Speaker

266

Manila, Philippines – Dismayado ang ilang senador sa paghalal kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo bilang bagong House Speaker.

Diin ni Senator JV Ejercito, tatlong beses ng nang-agaw ng kapangyarihan si CGMA.

Hindi aniya maganda sa kampanya kontra korapsyon ng Administrasyong Duterte na kabilang ngayon si Arroyo sa mga pinakamatataas na lider ng bansa.

Idinahilan ni Ejercito ang mga kasong katiwalian na kinakaharap ni Arroyo.

Buo naman ang paniniwala ni Senator Antonio Trillanes IV na lalong pa-iigtingin ni Arroyo ang pasusulong na maharang ang 2019 elections.

Katwiran ni Trillanes, nasa ikatlong termino na si Arroyo at siguradong pangarap nito na maging punong ministro.

Nauna ng nagbibigay ng babala sina Senators Grace Poe at Panfilo Ping Lacson sa mga magbabalak na iluklok si Arroyo bilang prime minister sa babaguhing porma ng gobyerno.

Facebook Comments