DISMAYADO | Jordan Clarkson, nagsalita na matapos hindi payagan na makalaro sa Asian Games

Nagsalita na si Fil-Am Guard Jordan Clarkson matapos ang hindi pagpayag ng NBA na makapaglaro siya para sa Philippine team sa Asian Games sa Indonesia.

Sa kanyang mensahe sa social media, sinabi ni Clarkson na labis ang pagkadismaya niya sa naging desisyon ng NBA.

Kahit hindi na nakasama sa line up ng national team, mananatili pa rin daw siya sa puso ng kanyang Gilas teammates.


Umaasa pa rin aniya siya na balang araw ay makakapaglaro rin siya para sa Pilipinas.

Matatandaang pinayagan siya ng Cleveland Cavaliers at ng Olympic Council of Asia na sumali sa Philippine Team.

Pero sa desisyon ng NBA, hindi umano kasama ang Asian games sa mga kompetisyon na pwedeng lahukan ng NBA players base na rin sa napagkasunduan ng liga at ng Fiba.

Facebook Comments