GENDER NEUTRAL! | Bianca Gonzales – pinalalaking gender-neutral si Lucia

Manila, Philippines – Ibinahagi ngayon ng TV Host na si Bianca Gonzales kung paano niya pinalalaking gender-neutral ang kanyang anak na si Lucia.

Sa kanyang instagram post, sinabi ni Bianca habang bata pa ay ine-expose na siya si Lucia sa mga gender-neutral colors maging sa mga libro at laruan.

Halimbawa, pinapagamit niya sa kanyang anak ang mga damit na kulay puti, gray, khaki at navy.


Pagdating naman sa mga laruan, pinapayagan niyang maglaro ng lutu-lutuan o kotse-kotsehan si lucia basta’t gusto raw ng bata.

Katunayan, hindi pa aniya kilala ng kanyang 2-year old daughter ang mga Disney princess.

Pero dahil nakikipaglaro na rin sa ibang mga bata, nadidiskubre na raw ng kanyang anak ang ibang mga bagay at nahihilig na sa kulay pink at violet.

Matatandaang isa si Bianca sa mga celebrity na may adbokasiya tungkol sa mga social issues gaya ng pagpapaputi at pagbibigay ng boses sa mga miyembro ng LGBTQ community.

Facebook Comments