DISMAYADO | Labor Group na FFW, dismayado sa kawalan ng Tripartite Consultation sa SSS Premium increase

Manila, Philippines – Dismayado ang grupong Federation of Free Workers (FFW) sa kawalan ng tripartite consultation kaugnay sa premium increase at planong iaantala ang pagpapatupad ng pangalawang yugto ng karagdagang pension ng mga miyembro ng SSS.

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula sa kawalang consultation sa mga manggagawa sa pahayag kamakailan ng Social Security System (SSS) na iantala ang pagpatutupad ng second tranche ng additional pension na naka-scheduled sana sa susunod na taon pero ang inuuna o itinutulak aniya ay ang planong taasan ang contribution ng mga miyembro ng SSS.

Matatandaan na inihayag ni SSS President at CEO Emmanuel F. Dooc, na aabot sa P2.5 billion ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro kapag tataasan ng P2,000 bawat buwan ang pension simula sa susunod na taon 2019.


Paliwanag ni Matula nagkasunduan ng Federation of Free Workers (FFW), Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at Sentro ng Nagkakaisang Manggagawa (SENTRO) maging ang Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) sa isang resolution sa isinagawang National Tripartite Industrial Peace Council na sinaksihan ng Secretary of Labor at Office of the President noong nakaraang Marso 2018 na magkaroon ng tripartite consultation sa usapin SSS premium increase.

Giit ni Atty. Matula na nangako aniya si Pangulong Duterte sa kanilang isinagawang dialogue noong February 27, 2017, i-review ang appointments ng kinatawan tripartite kabilang ang SSS at nangako rin aniya ang Pangulo na mabigyan ng representasyon ang mga Labor groups pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad ang panguko ng Pangulo.

Facebook Comments