DISMAYADO | Magnetic lifters ng shabu na walang laman, nadiskubre sa MICP sa Cavite

Cavite – Dismayado ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency matapos na madiskubreng wala nang lamang shabu ang apat na magnetic lifters na kabilang sa P4.3 billion shipment ng shabu na natagpuan sa Manila International Container Port noong August 7.

Dalawang araw ding tinunton ng mga operatiba ng PDEA at PNP-Region 4-A ang nabanggit na malaking bulto ng droga hanggang sa ito ay matagpuan sa isang warehouse sa CRS subdivision sa Brgy. Reyes GMA Cavite.

Sa pagtaya ni PDEA Director-General Aaron Aquino, aabot sa isanlibong kilo ng ilegal na droga ang laman ng apat na magnetic lifters na nagkakahalaga ng 6.8-bilyong piso.


Dahil ditto, ani Aquino, isang tonelada ng shabu ngayon ang posibleng nakakalat sa ibat-ibang panig ng bansa na maaring sumira sa buhay at kalusugan ng mga biktima ng salot na droga.

Tinukoy ni Aquino, ang golden triangle syndicate na nag-ooperate sa rehiyon ng Asya ang nasa likod ng malaking shipment ng droga na nakapasok sa bansa. batay sa impormasyon na natanggap ng pdea, galing ng taiwan ang bultu-bultong shabu at ginawang transhipment point ang Malaysia.

Facebook Comments