DISMAYADO | Pagkakatalaga kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, hindi nagustuhan ng ilang mambabatas

Manila, Philippines – Dismayado ang ilang mamababatas sa pagkakatalaga kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong House Speaker.

Ayon kay Senadora Grace Poe, nakakapaghina ng loob ang nangyaring pagpapalit ng liderato ng Kamara lalo na sa mga nakikipaglaban para hustisya.

Sabi naman ni Senadora Risa Hontiveros, pinapakita lamang nito kung gaano kahina ang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Tinawag naman ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago si Arroyyo na Election Cheater At Plunderer.

Giit ni Elago, huwag sanang kalimutan ang kapalpakan sa termino ni Arroyo noong siya pa ang presidente.

Facebook Comments