DISMAYADO | Robert Jaworski, dismayado rin sa pag-atras ng pilipinas sa Asian Games

Manila, Philippines – Hindi na rin naitago ng PBA legend na si Robert Jaworski ang pagkadismaya sa pag-atras ng Pilipinas sa 18th Asian Games.

Sabi ng 72-year-old Filipino basketball icon, dapat ay inisip ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ang bansa ang haharap sa kompetisyon at hindi ang anumang koponan ng PBA.

Matatandaang isa si Jaworski sa mga manlalarong naging bahagi ng 1990 Asian Game sa Beijing, China.


Nauna na ring nagpahayag ng kanilang pagkadismaya si Rain or Shine star player Chris Tiu at pitong PBA governors.

Magsisimula ang Asian Games sa August 18 hanggang September 2 na gaganapin sa Jakarta at Palembang, Indonesian.

Facebook Comments