THANKFUL | Vhong Navarro at Winwyn Marquez, happy na magkatrabaho sa pelikula

Manila, Philippines – “Hindi naman tayo magkakalaban.”

Ito ang say ng aktor/ host na si Vhong Navarro kaugnay ng pakikipagtrabaho niya kay Winwyn Marquez para sa kanilang upcoming movie.

Mula kasi sa rival TV networks ang dalawa pero sabi ni Vhong, hindi naman laging tungkol sa labanan ang iniisip ng mga artista.


Kaya happy at thankful daw ang aktor sa Regal Entertainment sa ibinigay nitong pagkakataon para makatrabaho ang mga artista mula sa ibang TV network.

Nabatid na may mga network affiliation ang nagbabawal sa mga artista mula sa magkaibang TV network na magsama sa isang proyekto.

Happy rin naman daw ang beauty queen/ actress na makatrabaho si Vhong.

Pagbibidahan ng dalawa ang comedy film na Unli Life na isa sa mga official entry sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival.

Facebook Comments