DISMAYADO | Secretary Bong Go, dismayado sa hindi pagpayag ng NBA na makasama sa Asian Games si Jordan Clarkson

63

Dismayado si Special Assistant to the President Bong Go matapos na hindi payagan ng NBA na makapaglaro para sa Philippine Team ang Fil-Am Player na si Jordan Clarkson sa darating na Asian Games.

Sabi ni Go – naiintindihan niyang may kasunduan ang NBA at Fiba pero sana man lang aniya ay may puso ang NBA sa ginawa nilang desisyon lalo’t nakasalalay dito ang pag-asa at pangarap ng Pilipinas.

Ipinagtataka rin niya ang naging desisyon ng NBA dahil noong 2015, sa kaparehong sitwasyon ay pinayagan naman si Andrew Nicholson para maglaro sa Canada sa Pan-American Games na counterpart ng Asian games kahit may kontrata pa siya sa NBA.

Kasabay na sana ng national team si Jordan Clarkson patungong Jakarta mamayang gabi.

Sa kabila nito, sinabi ni Go na patuloy na lalaban ang Philippine National team nang may puso at naniniwala siya sa kakayahan at determinasyon ng mga Pinoy.

Facebook Comments