PNP Mallig, Pagkakalooban ng Patrol Car!

17

Mallig, Isabela- Inaasahan na ng PNP Mallig ang ipagkakaloob na patrol car sa kanilang himpilan upang magamit sa kanilang puspusang pagpapatrolya sa nasasakupan bayan.

Ito ang masayang ibinahagi ni Police Senior Inspector Loreto Infante sa naging talakayan sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan kahapon, Agosto 11, 2018.

Ayon kay PSI Infante ay hinihintay nalamang umano nila ang pormal na dokumento nito bago ipasakamay sa PNP Mallig ang mga naturang sasakyan na pansamantalang nasa Isabela Police Provincial Office muna sa ngayon.

Dagdag pa niya ay malaking tulong umano ang mga sasakyang ito upang lalong matutukan ang kanilang mga aktibidad gaya ng police visibility, pagpapaigting ng oplan night riders, bank to bank patrol at iba pang maaaring matutukan upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang bayan..

Samantala, aminado naman si PSI Infante na isa umano sa nadatnan niyang problema sa nasabing tanggapan ay ang mga sirang patrol car kaya’t puspusan ang kanilang ginagawang pagpapa-ayos sa kanilang mga sasakyan.

Sa ngayon ay patuloy at hindi naman tumitigil sa pagbabantay ang PNP Mallig sa kanilang bayan upang mapanatili ang katahimikan at kapayapaan sa kanilang bayan.

Facebook Comments