DISMAYADO | Senator Villanueva, nanghinayang sa hindi paglalabas ng Executive Order kontra ENDO

Manila, Philippines – Welcome development para kay Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang pagsertipika ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Security of Tenure Bill o End of Endo Bill na urgent o prayoridad.

Pero ayon kay Senator Villanueva, mas maganda sana kung naglabas ng Executive Order o EO ang MalacaƱang kontra sa kontraktwalisayon o endo.

Paliwanag ni Villanueva, malaki ang maitutulong ng EO para maging malinaw ang kongkretong posisyon ng administrasyon laban sa contractualization.


Diin ni Villanueva, ang EO sana ang inaasahang maging gabay nila sa pagbalangkas ng panukalang batas laban sa kontraktwalisasyon.

Aminado si Villanueva na nalilito na silang mga mambabatas kung ano ang kongkretong polisya ng gobyerno laban sa kontraktwalisasyon dahil iba-iba ang pahayag ukol dito ng mga opisyal ng pamahalaan.

Facebook Comments